Nahahati sa
dalawang kategorya ang wika, ang pormal at di-pormal na wika. Ang wikang pormal
ay wikang karaniwang ginagamit at kinikilala ng mga nakakarami sapagkat ito ay
angkop at tama sa lipunan.. Karaniwang ginagamit ang wikang ito ng mga
dalubhasa, mag-aaral, may mataas na antas sa lipunan at mga taong may desenteng
trabaho. Kadalasan itong ginagamit sa paaralan at opisina. May dalawang
kaantasan ang wikang pormal. Ang wikang opisyal at pambansa, na ginagamit ng
mga taong may posisyon sa pamahalaan, awtoridad, mga taong may mataas na antas
sa lipunan, at mga dalubhasa. Ito rin ang wikang ginagamit panturo at paggawa ng
manuskripto ng mga libro, At wikang pampanitikan, na wikang karaniwang
ginagamit ng mga manunulat sa mga akdang pampaniitikan. Ito rin ang ginagamit
sa imahinatibong pagsulat.
Samantala, ang wikang di-pormal ay wikang
ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw nitong pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan. Tulad ng wikang pormal, nahahati rin sa antas ang wikang
di-pormal. Nahahati ito sa tatlong antas, ang wikang panlalawigan o salitang
diyalektal, na ginagamit sa isang partikular na lugar, lalawigan o pook at may
pagkakaiba-iba sa kahulugan at tono sa bang salita, ang wikang balbal, na katumbas
ng slang sa Ingles, pabago-bagodahil sa modernong panahon, at madalas marinig
sa kalsada at lansangan, at wikang kolokyal, na salitang ginagamit kadalasan sa
pang-araw-araw na pag-uusap at pakikipagtalastasan.
No comments:
Post a Comment